sana, by sOulwrEcker Subscribe to rss feed for sOulwrEcker

hindi ko alam kung may halaga pa ba
ang buhay ko 
hindi ko alam hanggang sa dumating ka't
binago mo ako
bawat araw kay saya
na dati'y walang kulay at walang halaga
ngiti mong nagpapawi ng lungkot 
tinig mong nagsasabing wag akong matakot
mga salita mong nagpapalakas ng aking loob
mga mata mong walang bakas ng pangamba at takot

hindi ko na alam ang nararamdaman ko
nahuhulog na ata ako
ngunit di ko pa ata kaya
hindi pa ata ako handa
pero sabihin man ng utak kong wag muna
alam ng puso kong ikaw na nga
wag ka lang sanang tulad ng iba
maglalaho na lang ng parang bula
di ko na kakayanin pang
masaktan ulit ng lubusan

sana ikaw na nga
makakasama ko sa twina
sana ikaw na nga
sana ikaw na
sana ikaw
sana
sana
Posted: 2005-10-19 07:19:21 UTC

This poem has no votes yet. To vote, you must be logged in.
To leave comments, you must be logged in.